Sunday, March 27, 2011

ako ay me kwento

ako ay me kwento..sa isang munting na tindahan ng laruan, may isang simpleng stuff toy na teady bear, nag-iisa na lamang siyang stock ng teady bear..nalulungkot siya kasi wala pang bumibili sa kanya..so lagi siyang ng dadasal na sana may mabait na batang bilhin siya hindi dahil siya nalang ang teady bear na tinda doon kundi dahil gusto niya yung pagkakagawa sa simpleng teady bear na yun. Hanggang sa dumating na nga ang batang hinihintay niya..pumasok ang bata sa tindahan at ang naningin ng mga tinda, manghang-mangha ang bata sa dami ng magagandang laruang tinda sa munting tindahan. Bawat laruan na hinahawakan niya ay natutuwa at nagugustuhan ang batang yon dahil ito ay masayahin at madaling patawanin. Madalas pumunta doon ang bata ngunit wala siyang binibiling laruan. Nagiging usap usapan na tuloy ng mga laruan ang bata dahil sa magandang katangian nito, habang ang simpleng teady bear ay walang kaalam alam dahil niminsan ay hindi siya nahawakan nung bata. Isang araw dumating ang bata kasama ang kuya niya. Ibang ang tuwa ng bata nung araw na yun. Madami ulit siyang hinawakang mga laruan. Malakas tumawa, at masayang masaya ang bata kaya napansin siya nung teady bear. Natuwa ang teady bear sa bata, sumaya ang teady bear kahit hindi pa siya nahahawakan nung bata. Papunta na yung bata sa kinalalagyan nung teady bear tinuro niya ito sa kuya niya. Agad namang kinuha ng kuya ang teady bear at dinala sa counter at binayaran. Agad ding tiningnan ng bata ang teady bear, tinitigan ang muka, katawan, extramities, pati likod tapos saka niyapos ng mahigpit ng mahigpin. Nagpasalamat ang bata sa kanyang kuya habang yapos yapos ng mahigpit ang kanyang teady bear. Napatingin ang mga laruan sa bata dahil ngayon lang nila nakita ang bata na ganun kasaya. Samantalang hindi makapaniwala ang teady bear na siya ang pinili ng bata ngunit super saya ng feeling niya dahil natupad ang kanyang matagal ng hinihiling..ang magkaroon ng batang mapapasaya niya at magpapasaya sa kanya. Lumipas ang mga araw palagi silang magkasama. Masaya sila palagi. Kung minsan kapag nalulungkot ang bata at umiiyak ang teady bear ang ginagawa niyang pangpahin ng kanyang mga luha at ilang sandali lang ay masaya na ulit ang bata. Kung minsan naman ay nalulungkot ang teady kapag nakikita niyang nilalaro nung bata ang ibang niyang laruan pero sa gabi bago natulog ay siya padin ang katabi nung bata..Isang araw me kasamang isa pang bata yung bata at niyayang pumunta sila sa munting tindahan ng laruan. Sumama ang bata, muling natuwa ang bata, ngunit tulad ng dati wala ulit siyang binili. Nagpatuloy ang ganung pamamasyal ng bata sa tindahan kasama ang kanyang kaibigan, hanggang sa isang araw ibinili siya ng kaibigan. Umuwi ang bata sa kanila daladala ang bago niya laruan..isa itong doll. Nakita ito ng teady bear at napansin ng teady bear ang kakaibang saya ng bata sa bago niyang laruan. Nakarandam ng lungkot ang teady bear, naalala niya noong una siyang hinawakan ng bata, noong pareho silang masaya, naalala din niya kung paano siya pinapasaya ng bata dahil sa kanyang kakaibang pagtawa, ngayon ay naiisip at nakikita niyang hindi na siya ang nagbibigay ng masasayang tawa ng bata. Noong gabing iyon malungkot ang teady bear dahil dalawa na silang katabi ng bata. Pagkagising sa umaga dalawa nasilang nilalaro ng bata. Masaya ang bata, masaya ang doll, ang teady bear...masaya dahil masaya yung bata. Selos ang nararamdaman ng teady bear sa doll. Ngunit alam ng teady bear na pinapasaya ng doll ang bata. Mahirap sa teady bear maramdaman na hindi na siya ang dahilan ng pagsaya ng bata. At napapansin ng bata ang unti-unting patigas ng teady bear. Isang gabi bumulong ang bata sa teady bear bago siya matulog..."i love you my only teady!" at muling sumaya ang teady bear..muli siyang niyapos ng bata at muling lumambot ang teady bear.. :)